Your Tech VA
1 прихильник
Part time jobs - kailangan ko ba talaga ...

Part time jobs - kailangan ko ba talaga nito?

Aug 16, 2023

Magandang araw sayo my friend. I am Mel, owner of YourTechVA.

May kwento ako sayo, okay lng ba?

Nowadays, ramdam mo naman siguro na kahit may trabaho ka eh ang hirap parin pagkasyahin ang sahod mo kase halos napupunta lng sa mga bayarin. Tama? kase una sa lahat, ang taas ng inflation, pangalawa, hindi naman halos tumataas ang sahod - kung tumaas man di parin sapat. At isa ako dyan sa totoo lng though I am earning 50K+ per month pero talagang halos di parin kasya kase nga andami ko utang este bayarin hehe. Well, kasama na rin yung utang sa monthly bills ko wala eh no choice pag di kasya ang sahod mapapakaskas talaga ako sa credit card.

I am working as a Team Lead, pero mostly may kinalaman sa website ang work ko. May working schedule is either 2 PM to 11 PM or 4 PM to 1 AM. 15 years na ako sa industry at nakakaapat na ako na company. Yung isa sa company na pinasukan ko tumagal ako dun ng 10 years, oh diba isang dekada ang lumipas ng ganun ganun na lang hahaha. Masaya naman ako sa work ko at sa ngayon permanent work from home ang setup ko. Thankful ako kase hindi ko kelangan magprepare ng 2hrs para lng bumyahe papuntang office - nakakapagod kaya sa commute pa lang tapos magastos pa hehe. Nakabili naman ako ng bahay, actually dalawang bahay though parehas pa binabayaran sa PAGIBIG - yung unang bahay nabili ko nung binata ako at yung pangalawang bahay ay nabili namin ng wife ko na nakapangalan sa kanya. Bumili rin kami ng second hand na sasakyan pero eventually binenta din naman kase need namin mag free up ng mga utang. Sa ngayon, sakto lng ang sahod naming mag asawa, bale ang ginagawa namin ako ang nagbabayad ng mga utang namin sa creditcard - take note 5 creditcards ang binabayaran namin, pero syempre magtatanong ka bakit ang dami nyo utang at credit cards na ginagamit? Well, bagong kasal lng kami ng wife ko(January 2022) tapos nagdecide kami bumili ng bahay sa Cavite pero bear type kase sya so need namin ipagawa. At dahil need namin ipagawa yung bahay na nakuha namin, need namin ng funds at nagkataon naman na may mga creditcards ako so nagdecide kami na bilhin ang mga materyales, appliances and other expenses gamit ang mga creditcards. So another tanong na ibabato mo sakin, bakit ang dami mo creditcards? Nung binata kase ako, kumuha ako ng credit card at dahil good payor ako maraming nag-offer sakin n banks na magdagdag ng credit card kaya ayun tinanggap ko nang tinanggap hahaha. Tapos si wifey naman ang nagbabayad ng mga basic bills namin like Kuryente, tubig, internet then nagdadagdag ako sa grocery namin. Sa totoo lang, kapos kami sa budget dahil nga sa dami ng bayarin tapos nagka-baby din kami kaya hirap din sa schedule since parehas kami working. So napag-usapan namin ni wifey na parentahan yung bahay namin sa Cavite at umuwi muna sa kanila sa Quezon City para may nagbabantay din sa baby namin pag may work kami(request din kase ng mga byenan ko kase sabik sila magka-apo both senior na sila btw). Now, yung bahay namin sa Cavite ay may umuupa na ng 10k per month, laking tulong rin nito samin hehe at nakabawas sa bayarin.

Ngayon, anong connect nitong post ko sa part time jobs? Ang usapan kase namin ni wifey na pagdating nya ng 40 years old (we're both 36) eh magreresign na sya sa work at mag-fulltime house wife na sya which is okay din sakin para sakto nag aaral na yung first child namin. Ang goal ko ay maka-ipon ng atleast 1 Million Pesos bago magresign sa work si wifey(actually gusto ko sya i-surprise haha secret lng natin 'to ha) pero syempre paano ko gagawin ito kung nagbabayad pa kami sa mga utang namin? Eh di maghanap pa ng mga part time jobs hehe.

May mga nakikita ako sa social media na maganda daw sa freelancing so ako naman na-catch dn ang attention ko specially sa mga nagpopost ng kanilang 6 digits earnings meron pa nga halos 7 digits na eh kakainggit noh haha mapapa-sana all ka talaga palibhasa mukha akong pera hahaha. Pero eto ang struggle, hindi pala ganun kadali makahanap ng part time jobs kahit fully skilled ka na. Madami na ako inaapplyan na part time jobs kumita na rin pero minsan nga di pa ako binayaran. Akala nung una pag nagsubmit ka ng proposals eh agad agad may work ka na or hired ka na pero hindi ganun ang nangyayare. Kelangan mo magsubmit nang magsubmit hanggang sa makakuha ka ng clients.

So eto na nga, ang haba ng kwento ko pero gusto ko lng naman mag-share ng mga websites na pwede ka magkaroon ng part time jobs. Maraming websites actually, pero eto ung nasa top lists ko:

1. https://www.onlinejobs.ph/
2. https://www.upwork.com/
3. https://www.fiverr.com/
4. https://freelancer.com/
5. https://indeed.com/

Pero bago ka mag sign up sa mga nakalista sa taas, make sure na meron ka na nito para dito magpapadala ng payments ang mga clients mo at ito rin ung usual payment platforms ng mga freelancers:

1. https://www.paypal.com/ph/home
2. https://wise.com/
3. https://www.payoneer.com/

Magcomment ka dito sa post ko ha if may nakuha ka na part time jobs, then pa-share ng experiences mo.

Baka may naiisip ka rin na pwede ko i-post at ikwento in the future :)

Good luck sayo my friend.

Подобається цей допис?

Купити для Your Tech VA кава