(´>_●)メ(●_<`) open rebuke is better t ...

(´>_●)メ(●_<`) open rebuke is better than secret love

Nov 12, 2023

ella: nalaman ko po na niloloko nya ang boypren nya pero ayoko ko po makialam sana. kasi sanay na po ako na kahit may mali sa mga ginagawa ng kaibigan ko, hayaan ko na lang daw sya. nakukunsensya na din ako kasi mahal na mahal sya nung boyfriend nya eeh. tapos tuloy tuloy lang pakikipagkita nya dun sa isa. papano ba ako makikialam ng hindi sya magagalit?

papano mo itatama eh ayaw mo masaktan?
papano mo pagsasabihan eh ayaw mong lumayo sya?
papano mo sasabihin na may mali sa ginagawa nya?
papano mo iiwasan?

masasaktan at masasaktan natin sila
lalo kung katotohanan ang gagamitin mong sandata.
sa mga taong ayaw tanggapin ang kanilang mali
ikaw ang lalabas na masama ang ugali

pero wag mong hayaan, wag ka matakot
dahil kung totoong gusto mong maging maayos
umpisahan mo sa pagsasabi ng totoo.

bigyan mo ng detalye, ilatag mo ang mga alam mo.
sabihin mo yung totoo.
masakit man sa loob nya.

Gefällt dir dieser Beitrag?

Kaufe JULIEN CHRISTINE GASMIDO NUAL einen Kaffee