Ikaw pa rin ba ang copy-paste machine ng ...

Ikaw pa rin ba ang copy-paste machine ng AI mo? (MCP, explained sa isang analogy)

Jul 29, 2026

Ganito ang isang "AI-powered" na araw ng karamihan: buksan ang chat. Copy ang sagot. Paste sa Gmail. Balik sa chat. Copy ulit. Paste sa sheet. Ulit-ulit — hanggang ikaw na pala ang messenger ng sarili mong AI.

Ang totoo: hindi tamad ang AI mo. Hanggang folder mo lang kasi ang abot niya. Hindi niya ma-open ang browser mo, hindi mabasa ang Gmail mo. Kaya ikaw ang tulay — palagi.

'Yan mismo ang inayos natin sa Module 3 ng free Claude Code course (Taglish), gamit ang MCP — Model Context Protocol. At para ma-gets mo agad: isipin mo ang Claude mo na parang bagong cellphone. May brain na siya (Module 1), may memory na (Module 2) — pero walang apps. Ang MCP ang paraan para mag-install ng apps sa kanya: browser app, Gmail app, database app. Isang standard na saksakan lang lahat — tawag nga ng industriya, "USB-C of AI."

Ano'ng nasa video:

  • Ang Connectors — literal na on-off switch sa claude.ai settings. Gmail, Drive, Calendar — i-ON mo lang, mag-sign in ka sa Google mismo (hindi kay Claude dumadaan ang password), tapos balik sa Claude Code: andiyan na sila. Walang kahit isang command.

  • Kahit anong tool — kung wala sa switches, sabihin mo lang kay Claude: "add the Playwright MCP" — siya mismo ang magsusulat ng config. Eight lines lang 'yon, at ipinakita ko sa video kung gaano ka-basa. Tapos: gumalaw ang browser ko nang mag-isa. Walang kamay.

  • GLOBAL vs LOCAL — kung freelancer ka na may multiple clients, ito ang pinaka-importanteng 30 seconds: one folder per client + ang MCP ng client sa folder niya = hindi maaabot ng session ni Client B ang data ni Client A. Ganyan mo pinoprotektahan ang clients mo.

  • At ang patunay: isang prompt — nag-browse siya ng website, nagbasa ng Gmail, at gumawa ng report file. Hindi ako kumopya ni isang beses.

  • Plus 3 security rules bago ka mag-connect ng kahit ano — kasama na kung bakit hindi dapat i-next-next ang approval prompt.

Isang beses mo lang ikokonekta. Tapos hindi na ikaw ang bridge — si Claude na.

📺 Panoorin ang Module 3 dito: https://youtu.be/iID7CmJeiEU
(Bago ka sa course? Module 2 muna — https://youtu.be/1rn12n-AdyA — tapos sundan ang free Roadmap checklist, updated na with MCP steps.)


P.S. — Isipin mo ngayon pa lang: ano 'yung pinaka-paulit-ulit mong kino-copy-paste every week? 'Yon ang unang i-connect mo. Sagutin kita sa comments kung saan ka na-stuck.

P.P.S. — Sa Module 5, patatakbuhin natin ang mga automation nang 24/7 sa sariling server. Kung gusto mong maunang maghanda: Hostinger VPS — code LAKWATSEROS.

Less manual work, more lakwatsa. 🌴
— Arvin

Ti piace questo post?

Offri un caffè a LAKWATSER🔆S

Altro da LAKWATSER🔆S

PrivacyTerminiRapporto