The Forgotten Protocol: Living in Harmon ...

The Forgotten Protocol: Living in Harmony with the Diwata

May 25, 2026
212

image

Alituntunin At Pamantayan

"Rules and Standards"

Kailangan na huwag nating makalimutan ang paniniwala at kaugalian ng ating mga ninuno sa mga panahon na sila ay nabubuhay sa mundo ng mga tao.

"It's important that we don't forget the beliefs and traditions of our ancestors back when they were still living in the world of humans."

Ang paniniwala sa mga Diwata, Engkanto at Anito na nasa Kailaliman, Kaibabawan at Kaitaasan ay pantay-pantay lamang.

"Their belief in the Diwata, Engkanto, and Anito of the Underworld, Middleworld, and Upperworld was completely equal."

Meaning hindi sila pumipili ng isang side lamang tulad ng sa pawang kabutihan o kasamaan lamang bagkus ay lahat sila ay Inaalayan, Pinaparangalan at lalong-lalo na ginagalang o nirerespeto.

"This means they did not simply choose one side—such as purely good or purely evil; instead, all of them were given offerings, honored, and above all, deeply respected."

Kaya bilang makabagong lahi sa makabagong panahon kinakailangang hindi natin sila dapat Katakutan at hindi natin sila dapat gawing isang kaaway dahil isa sa kanilang tungkulin ay ang gabayan at protektahan tayo.

"Therefore, as a modern generation in modern times, we should not fear them or treat them as enemies, because one of their duties is to guide and protect us."

Upang hindi tayo mapahamak sa mundong ito.

"So that we will not come to harm in this world."

Sila din ay may kakayahang magbahagi ng kanilang Karunungan at Kaalamanan sa atin.

"They are also capable of sharing their wisdom and knowledge with us."

Ang pagpapahalaga sa ib'at ibang mga nilalang na Espiritu ay napakahalaga sa ating mga ninuno at lalong lalo na sa panahon natin ngayon.

"Valuing the various spirit beings was highly important to our ancestors, and it is especially crucial in our time today."

Sila ay ating mga tagapag-gabay at taga-tanod na maaasahan at handang umagapay sa atin sa oras ng ating pangangailangan,

"They are our guides and lookouts that we can depend on, ready to stand by us whenever we need help."

Subalit sa kabaitan nilang ito ay napakahalagang matutunan na huwag natin silang aabusihin at pagsasamantalahan.

"But even with how kind they are, it's really important that we learn not to take advantage of them or abuse them."

Pairalin natin ang give and take sa bawat kahilingan natin at lalong-lalo na ang pagbibigay ng respeto sa kanila.

"We should practice give-and-take for every favor we ask, and most importantly, give them respect."

Ang mga Espiritu ng kalikasan o mga Engkanto ay ating kabahagi dito sa kaibabawan meaning bago nalikha ang mga tao sila ang nauna dito upang tayo ay masupurtahan at mabantayan sa mundong ibabaw.

"The nature spirits or Engkantos share this earthly world with us, meaning they were here first before humans were created so that they could support and watch over us on this earth."

Sa anong paraan? Ito ay ang panatilihin ang kaayusan ng kalikasan tulad ng pagkakaroon ng mga puno at halaman na makakatulong sa ating pang araw-araw na pangangailangan tulad ng pagkain.

"In what way? It is by maintaining the balance of nature, such as ensuring the abundance of trees and plants that help meet our daily needs, like food."

Sila din ang incharge sa mga iba't ibang uri ng mga hayop na kung saan naman ang ilan dito ay nagiging katuwang naman natin sa ibang mga gawain.

"They are also in charge of the various types of animals, some of which, in turn, become our helpers in our different chores and tasks."

Tulad ng kalabaw para sa mga magbubukid, ang mga aso para naman sa pagbabantay sa ating siguridad o kaligtasan.

"Just like the carabao for farmers, and dogs for guarding our security and safety."

Kaya ang ilan sa mga katawagan o pangalan ng aso noon base sa ating mga ninuno ay 'bantay' dahil sa kanilang kaugaliang bantayan ang kanilang mga amo sa oras ng panganib.

"That's why some of the names for dogs back then, based on our ancestors, was 'Bantay' because of their habit of guarding their owners during dangerous times."

Ang pag me-maintain ng ating connection sa mga Espirtong nabanggit ay nagiging isang ritual ng pamayanan na pinamumunuan ng mga 'Katalonan' upang mapanatili ang kaayusan at kasaganahan ng kanilang pamumuhay noon.

"Keeping our connection with those spirits became a community ritual led by the 'Katalonan' so they could maintain peace and abundance in their lives back then."

Kaya sa panahon natin ngayon ay dapat nating maibalik itong kaugalian at gawain ng ating mga ninuno upang maibalik sa tamang kaayusan ang ating buhay at maging ang kaayusan ng ating pamumuhay.

"Therefore, in our time today, we must revive these customs and practices of our ancestors so that we can restore the proper order of our lives and the harmony of our way of living."

Paano ito gagawin at sisimulan? Hayaan n'yong ibahagi ko sa inyo ang mga panimulang mga hakbang at mga proseso upang maisagawa ito kahit kayo ay mag-isa lamang.

"How do we do this and where do we begin? Let me share with you the initial steps and processes so you can practice this, even if you are on your own."

At para naman sa mga ibang kumplekado at detalyadong mga impormasyon ay maaari ninyo itong ma access sa ating mga tier o level tulad ng sa tawas at iba pa.

"Regarding more intricate and detailed information, this may be accessed via our various membership tiers or levels, such as those pertaining to tawas and other specialized practices."

Mayari Na! Magbaya Na!

Подобається цей допис?

Купити для Alvin Sentin каву

Більше від Alvin Sentin