Facing Your Greatest Fears to Find Your ...

Facing Your Greatest Fears to Find Your True Self

Apr 29, 2026

imageIsa ito sa mahirap gawin subalit isa sa napaka powerful na ways at methods sa totoong buhay.

"This is one of the hardest things to do, yet it is one of the most powerful ways and methods in real life."

Ang takot ang siyang nagiging hadlang upang hindi natin malaman ang katotohanan, nagbibigay limitation at nagaalis sa atin ng kapangyarihan at kakayahan sa aspetong pisikal at spiritual.

"Fear serves as the primary obstacle to discovering the truth. It imposes limitations upon us, robbing us of our strength and potential in both the physical and spiritual realms."

Ang takot ay siya ring ating kahinaan na kailangan nating ma e-transform at ma-master para sa ating pansariling benefits o pansariling kapakanan.

"Fear is also our weakness that we need to transform and master for our own personal benefit or well-being."

Kahit ako ay tinaglay din ito at akin ding naranasan na harapin ang aking mga kinakatakutan hanggang sa aking natutunan.

"I've also carried this within me and have experienced facing my fears until I finally learned how to handle them."

Na ang takot ay gawa ng isang kakulangan sa kaalamanan o hindi kaya ay maling katuruan at informations na ibinigay sa atin tulad ng maling paniniwala.

"Fear is often just the result of not knowing enough, or being shaped by the incorrect information and limiting beliefs we've inherited."

Mga katuruan na ang kailangan mo lamang ay makinig at tanggapin ito ng buo na walang halong pagdududa at higit sa lahat iyong walang tanung-tanong.

"Teachings that demand you simply listen and accept everything blindly, without doubt and, most importantly, without question."

Ang pagharap sa ating pinakang-kinakatakutan ay nagbubukas upang mas makilala pa natin ng husto ang ating mga sarili at ang ating mga kakayahan.

"Facing our greatest fears opens us up to knowing ourselves and our capabilities more deeply."

Sa pamamagitan nito ay malalaman mo ang strong at weak na side mo dahil din dito ay matututunan mo kung ano ang mga laban sa buhay ang kaya mo at ano ang dapat mo pang e workout sa sarili upang mapalakas ito.

"Through this process, you’ll uncover your strong and weak points. You'll learn which of life's battles you're equipped for and what aspects of your character need more 'work out' to fortify your resilience."

Tulad halimbawa ng kadiliman o dilim naalala ko ang aking karanasan na takot ako sa dilim dahil sa paniniwala at pananakot ng aking magulang at pamilya na may mga aswang o multo sa madidilim na lugar na nangangain ng bata.

"Using darkness as an example, I recall how I grew up afraid of it. My family used to scare me with stories of ghosts and aswang that lived in the dark and ate children, which really shaped my fears back then."

Kaya naman hanggang sa lumalaki ako ay nadadala ko ang takot na ito ngunit ng dumating ang oras na need ko ng karapin ito dahil sa no choice na.

"I carried that fear well into my adulthood, but eventually, I reached a point where I was forced to confront it because there was no other way out."

Doon ko lamang nalaman at napagtanto na may liwanag sa kadiliman.

"Only then did I come to realize that light exists even within the depths of darkness."

May liwanag na mahiwaga ang nakatago sa kadiliman na pag iyong natuklasan ay maaaring mag bigay sa iyo ng isang karunungan at kaalaman na maaaring maging kaagapay at magamit na gabay mo sa iyong buhay.

"There is a mystical light hidden within the darkness that, once discovered, can grant you wisdom and knowledge that can serve as your companion and guide throughout your life."

Base sa aking karanasan ang pagharap sa iyong kinakatakutan ay maaari mo itong ma-iwasan o hindi ito harapin muna subalit ito ay pansamantala lamang dahil babalik at babalik ito sa iyo.

"Based on my experience, you can choose to avoid your fears or refuse to face them for a while, but this is only temporary because they will keep coming back to you over and over again."

Sabi nga ng matatandan "Hindi mo ito matatakasan hanggang hindi mo ito hinaharap hindi ito matitigil o matatapos," na siyang totoo at tunay dahil akin itong naranasan.

"As the elders say, 'You cannot escape it; until you face it, it will not stop or end,' which is true and certain because I have experienced it myself."

At base din sa aking karanasan pag ito ay nagpabalik-balik na sa iyo at minsan ay dumarating nalang siya ng biglaan na para bang wala ka ng katakas-takas dito.

"And based also on my experience, once it keeps coming back to you, sometimes it arrives so suddenly that it feels as though you have absolutely no way to escape it."

Ibig sabihin nito ay naka ready kana sa kanya upang tanggapin ang karunungan at kaalamanan na kanyang dala-dala para sa iyo.

"This means you are now ready to embrace the lessons and knowledge it has been holding for you all along."

Upang mabawasan ang bigat o lakas ng takot ay e remind lamang ang iyong sarili na wala kang ginagawang masama kaya wala kang dapat ikatakot.

"To ease the burden of fear, just remind yourself that your intentions are good; if you are doing no harm, you have no reason to fear."

At iyong tatandaan lagi na ikaw ay hindi nag-iisa lagi mong kasama ang iyong mga gabay na mga ninuno at hindi ka nila pababayaan.

"Always keep in mind that you do not walk alone. Your ancestors remain by your side as your guides, and they will never abandon you."

Mayari Na! Magbaya Na!

Enjoy this post?

Buy Alvin Sentin a coffee

More from Alvin Sentin