Invitation to read my stories on Booknet

Invitation to read my stories on Booknet

Oct 24, 2021

Hello!

Napansin kong hindi masyadong user-friendly ang website when it comes to writing stories. Mahirap siya kung i-navigate kaya plano kung i-stop na muna ang pag-update ng Kissing The Wind dito.

Kaya ini-imbitahan ko kayong basahin ang story sa Booknet, isang reading app, kung saan pwede niyong i-download ang story as file sa inyong phones. But since ongoing pa ang story, I will not turn on the download button muna. Saka na kapag completed na ang story para isahang download na lang sa inyong phone.

I've tried to download the English version of Moonlight Serenade as epub file, at ito 'yong kinalabasan.

Masaya ako na malamang pwede palang ma-download ang epub file ng Moonlight Serenade through Booknet. Kaya kapag na-complete na ang translation ng Moonlight Serenade (plus 2 special chapters na wala sa Wattpad nor Dreame nor Readoo), i-o-open ko ang download button para mabasa niyo offline ang English version (plus special chapters).

Mas rigid ang narration sa English version dahil nag-i-edit din ako habang nagta-translate. Ibig sabihin, mas reasonable na si Jewel at Gideon sa version na 'yan.

In addition, sa Booknet ko na rin i-pa-publish ang ibang stories na wala sa ibang sites gaya ng Wattpad at Dreame. I'll try to publish Tagalog stories na rin doon.

Ito 'yong first time na mag-e-endorse ako ng reading app, at alam natin na may lustful books at worldly books doon sa Booknet. Ang naka-advantage kay Booknet, wala siyang ads at maliit ang tyansa na ma-ti-tempt kayong magbasa ng lustful books dahil 'yong interface niya, simple lang at nakalinya lang sa tabi ang discovery ng ibang books.

I advice na stay lang kayo sa library niyo para hindi niyo makita ang ibang books. Your library is like this:

(Wag niyo lang i-mind ang tags ng MS, ginawa kong ganiyan para ma-reach yung erotica readers ng Booknet)

Ito pala 'yong author page ko sa Booknet.

You can follow the author's page para ma-notify kayo sa upcoming books at latest updates ng stories. May text-to-speech din ang app para sa mahilig ng audiobooks (though medyo monotone ang naka-default na boses). Pwede rin kayong mag-comment sa book.

So you can download Booknet, follow my profile there, add these books in your libraries, and let's start a conversation sa comment section ng book. Also, mag-pa-publish ako ng bagong book sa Booknet, and it will be the English version of "Sa Malayong Bayan ng San Roque."

I hope to see you there, lalo na sa gustong magbasa ng Kissing The Wind at english versions ng dalawang storyang nabanggit ko.

Thank you so much for your support and God bless you always. ❤

Glory to God in the highest!!!

Enjoy this post?

Buy Rapha Shiloh a coffee

More from Rapha Shiloh