KATOTOHANAN:
Ni:MichAngel
Ikaw, Kayo, Sila, tayo,. Kahit na sino!
Bakit hindi natin tanggapin ang totoo.
Na teknolohiya na ang umiikot sa lipunan.
Na teknolohiya na ang nag papabilis ng buhay.
Na teknolohiya na ang may kontrol sa lahat.
Oo nga't nalululong ang kabataan.
Pero anu ang ating magagawa.
Kung patuloy sa pag gawa ng mga nakakaaliw na laro at social media. Bakit hindi nalang natin tanggapin ang katotohanan.
Bakit hindi nalang natin tanggapin.
Na tayo din ay ginaganahan.
Na kahit mahal, Ay pinag pipilitan.
Makuha lang ang inasam asam.
Kahit kapos na sa pinag kakakitaan.
Sa dinamiraming gadyet na lumabas, Na halos. Isang linggo lang may bago nanamang lalabas.
Oh di ba, ganyan kabilis ang teknolohiya.
Na ikaw mismo ay napapawow.Tapos Sasabhin mo sa sarili mo "mapapasakin ka balang araw".
Ako at ikaw nga ay namamangha.
Sa bilis ng sistema ng teknolohiya.
Na halos sigundo lang ay alam muna.
Kung anung bagong pinag uusapan sa lipunan.
Ay teka mali buong mundong ginagalawan pala.
Wag natin sisisihin ang teknolohiya.
Kung may nag bago sa sistema.
Dahil gabay din ng kabataan ang teknolohiya.
Para sa pag unlad ng bayan.
Masasabi parin nating ang kabataan ang pag asa ng bayan.