Ilang beses mo nang ipinaliwanag ang PAR ...

Ilang beses mo nang ipinaliwanag ang PAREHONG bagay sa AI mo? (Skills, explained sa isang

Aug 11, 2026

Aminin: ilang beses mo nang sinabi 'to sa AI mo? "Ganito ang format ko — greeting muna, tapos WINS, tapos IN PROGRESS, tapos NEXT WEEK. Maikli lang ang sentences. Tapos ganito ang sign-off ko." Every. Single. Time.

Ang totoo: pagsapit ng Module 3, may utak na si Claude, may memory na, may kamay na. Pero ang pagkakakilala sa'yo, hindi pareho ng pagkakaalam ng trabaho mo. Naaalala ka niya — pero hindi niya alam ang proseso mo.

'Yan mismo ang inayos natin sa Module 4 ng free Claude Code course (Taglish), gamit ang Skills. At para ma-gets mo agad: naka-train ka na ba ng bagong VA — o ikaw mismo ang bagong VA noon? Alam mo 'yung pagod ng pag-explain ng parehong proseso nang paulit-ulit. Ang Skill ay ang SOP mo, nakasulat nang isang beses, na hinding-hindi makakalimutan ni Claude. Parang VA na tinuruan mo once — pero hindi nagre-resign, hindi nakakalimot.

Ano'ng nasa video:

  • Hindi ikaw ang magsusulat ng skill file — si Claude mismo. Ginawa muna namin ang task nang magkasama (weekly client update, kasama lahat ng correction ko), tapos sinabi ko lang: "gawin mong skill 'to." Siya na ang nagsulat ng SKILL.md. Buksan mo at makikita mo: hindi 'yon code — pangalan, description, at instructions sa plain na pananalita, parang sulat mo sa bagong VA.

  • Isang command na lang forever — mula noon, /client-update + notes ngayong linggo = client-ready na update, sa format mo, tono mo, sign-off mo.

  • Auto-invoke — ang part na parang magic: nag-paste ako ng bagong notes at sinabi ko lang "gumawa ka ng update para sa client ko" — walang slash command — at siya mismo ang pumili ng tamang skill. Naamoy niya.

  • Personal vs Project skills — kung freelancer ka na may multiple clients, ito ang pinaka-importanteng 30 seconds: skill sa folder ng client = sa folder lang ng client. Ang format ni Client A, hinding-hindi tatawid kay Client B.

  • At ang patunay: isinara ko ang session — zero na ang alaala niya sa usapan namin. Bagong session, bagong notes, isang command — perpekto pa rin ang gawa niya. Hindi ko na siya tinuruan ulit. Kailanman.

Simple lang ang rule kung ano ang dapat gawing skill: pangatlong beses mo na bang ginagawa o ipinapaliwanag? Skill na 'yan.

📺 Panoorin ang Module 4 dito: https://youtu.be/VIqrzYZ6nfk
(Bago ka sa course? Module 2 muna — https://youtu.be/1rn12n-AdyA — tapos Module 3 — https://youtu.be/iID7CmJeiEU — at sundan ang free Roadmap checklist, updated na with the Skills steps.)


P.S. — Gusto mo ng ready-made na example habang nanonood? Ginawa kong skill ang pagsulat ng freelance proposals: job post in → tunog-taong proposal out, sa plain English. Kunin mo ang Proposal Writer skill dito ($3) — basahin mo ang file mismo at makikita mo kung gaano kasimple ang loob ng isang skill.

P.P.S. — Ano 'yung proseso na pangatlong beses mo nang ipinapaliwanag? Comment mo — sagutin kita kung paano mo 'yon gagawing skill.

P.P.P.S. — Sa Module 5, gagawin nating set-and-forget: mga automation na tumatakbo 24/7 kahit tulog ka. Kung gusto mong maunang maghanda: Hostinger VPS — code LAKWATSEROS.

Less manual work, more lakwatsa. 🌴
— Arvin

Gefällt dir dieser Beitrag?

Kaufe LAKWATSER🔆S einen Kaffee

Mehr von LAKWATSER🔆S

DatenschutzNutzungsbedingungenMelden