Yung setup na ginawa natin sa Module 2 — eto na, buo na, at may kasamang doctor
na magsasabi kung talagang gumagana.
Kasi ito ang problema: pwedeng naka-setup na ang hooks mo, mukhang tama lahat…
pero tahimik palang hindi tumatakbo. At hindi mo malalaman 'yon. Makikita mo na
lang after two weeks na wala palang naaalala si Claude.
Kaya may SETUP DOCTOR dito. Hindi lang niya tinitingnan kung nandiyan ang files —
PINAPATAKBO niya mismo ang dalawang hooks at tinitignan ang totoong output.
25 checks. Sasabihin niya sa'yo nang diretso: LIVE ba o may sira.
ANONG LAMAN
• claude-starter/ — buong project folder, handa nang buksan
৹ 2 hooks: SessionStart (binabasa ang memory kada bukas) + Stop (nagse-save ng
natutunan kada 10 turns)
৹ .claude/memory/ — 3 files, may nakasulat nang paalala kay Claude kung PAANO
magsulat dito (para hindi maging diary)
৹ CLAUDE.md — operating manual, may first-run flow
৹ .secrets/ + .gitignore — hindi ma-cocommit ang keys mo
৹ skills/ — nakahanda, bakante (Module 4 'yun)
• doctor/setup-doctor.sh — ang health check. Inaayos pa niya ang ilang sira mag-isa.
• tutorial.html — click-by-click, naka-save ang progress mo
PAANO GAMITIN
I-unzip → buksan sa Claude Desktop → sabihin mo lang: "let's get started".
Siya na bahala. Mga 5 minuto.
PARA KANINO
Sinundan mo ang Module 2 at gusto mong sigurado ka. O ayaw mo nang mag-explain
ulit ng project mo sa bawat bagong chat.
ANONG KAILANGAN
Claude Desktop o Claude Code. Node.js muna bago mag-install, tapos Git kapag
binuksan mo ang Code portion. Walang API key, walang account, walang babayarang
iba — lahat local.
Libre naman ang prompt sa video — 'yung KASIGURADUHAN ang binibili mo dito.
☕ Less manual work, more lakwatsa.