Huwag mo na akong balikan, dahil wala na ako kung saan mo ako iniwan.
Magkita tayo,
magkita muli tayo.
Sa panahong mas kalmado na ang ating mga puso,
Sa panahong hinilom na ng paglipas ng taon ang sugatan nating mga puso
Huwag mo na akong balikan, dahil hindi na ako ang taong pinili mong bitawan
Hindi na ako ang taong pinili kang saktan
Binago na ng paglipas ng taon ang puso nating puno ng pagmamahalan noon
Pero magkita tayo.
Magkita muli tayo.
Sa panahong nagawa na natin ang mga bagay na ating gusto.
Sa panahong natutunan na nating maging masaya sa ating pagiisa.
Huwag mo na akong balikan, dahil kaya ko ang sarili ko
Sana kayanin mo din kahit wala na ako...
Pero magkita tayo,
magkita muli tayo,
Sa panahong handa na muli tayong tumaya sa sugal na gusto nating ipanalo
Sa panahong handa na natin sabihin ulit ang mga katagang tayo pa rin pala hanggang dulo....
SANA MAGKITA ULIT TAYO ...