Mga dapat gawin sa oras ng sakuna (Poem ...

Mga dapat gawin sa oras ng sakuna (Poem X)

Mar 17, 2025

Umupo, yumuko itaas ang kamay at ilagay sa likod ng ulo
Huwag tumayo hangga't hindi suguradong wala ng panganib
Gawin ang nakapaskil sa bawat sulok ng pader
Upo, yuko, at ilagay ang kamay sa likod ng ulo

Ang tila ordinaryong araw ng pag sasalita
Habang ang ordinaryong araw ay lumilipas sa takip silim nito

Ang paglalakad sa daang may paskil na paalala
Mga dapat gawin sa oras ng sakuna
Tinitigang mabuti ang mga nakalagay na mga kataga
Upo, yuko, itaas ang kamay at ilagay sa likod ng ulo.

Ang mga paalalang ito pala ang magiging huling mga salita;
Na makikita niya sa paglipas ng ordinaryong araw na ito.

Biglang may yumanig sa kasagsagan ng pagsigaw
Habang hawak ang kwadernong may sulat na inaasam
Nabitawang bigla ang dala, nawala ang boses na kay lakas
Sya ay umupo, yumuko, at tinaas ang kamay, inilagay ito sa likod ng kanyang ulo
Ngunit hindi nito napigilan ang pag danak ng dugo.

Hindi ba't parang pamilyar?
Naka upo, naka yuko, nakataas ang kamay at nakalagay sa kanyang ulo
Ang mga boses na sumisigaw ay nawala
Ang mga kwadernong may sulat ay naging mga basura
Naka upo, naka yuko, nakataas ang kamay at nakalagay sa ulo habang ang mga dugo ay dumadanak palayo sa malakas na boses at basurang mga sulat
Upo, yuko, at ilagay ang kamay sa likod ng ulo

Gefällt dir dieser Beitrag?

Kaufe Bobert einen Kaffee

Mehr von Bobert